by Mark Benigno
Gov. Vilma Santos
SABI ni Gov. Vilma Santos ay nasa "ibang level na siya kaya ayaw na niyang patulan ang tungkol kay Nora Aunor."
Tama si Ate Vi, nasa ibang level na nga siya ng mga corrupt sa showbiz at pulitika. Iba na talaga ang nagagawa ng "pork barrel" sa utak, puso at damdamin ng tao.
Ang alam ng marami ay nagpapakarelihiyoso si Fanny Serrano o mas kilala sa tawag na TF. "Born-again" or renewed Christian na siya kuno, pero nakausap namin ang ilan sa mga tauhan niya sa kanyang parlor at may mga sinasabi silang taliwas sa mga press release at pakitang tao ng make-up artist nina Lorna Tolentino at Sharon Cuneta. Madalas daw silang ginugutom at walang pagkain lalo na sa almusal, halimbawa.
Ano kaya ang masasabi ni TF tungkol dito? Tama siya, di dapat magpakabayani ang mga bakla!
Naniniwala ba kayong nagbago na si Nora Aunor? Siguro sa ibang bagay, pero sa kati ng katawan matindi pa rin siya. Kung hindi, bakit pinapunta pa rin niya si John Rendez upang makasama niya rito at mabigyan din ng papel sa "El Presidente" nila ni Gov. E.R. Ejercito?
Ngayon pa lang, malinaw na isang "monumental FLOP" in the making ang
"El Presidente: The Gen Emilio Aguinaldo Story." Lahat halos ng involved sa production ng nasabing pelikula ay pawang mga laos--mula sa director, lead actor, actress at iba pa. Maging ang production designer ay laos na rin at napaglipasan na ng panahon. At ang cinematography? Mukhang glossy movie raw ng Viva at Star Cinema.
Ano ba ang "beef' nina Antonio Vidal Aguilar at mga katropa niya sa Cannes Best Director na si Brilliante Mendoza? Higanteng inggit ba o galit?
Ayaw nina Raya Martin at Nick Deocampo ng ganyan!
Ayon sa ilang insider, hindi type ni Brilliante Mendoza ang "acting" nina Gina Pareno at Jacklyn Jose, kahit pa kinuha niya ang mga ito sa ilang pelikula niya. How true Dante's Inferno?
Sabi ni Direk Arman noon, pugad ng sex at iba-ibang sex maniac ang Dante's Garden sa Barangka, Mandaluyong.
Ayon sa isang kritiko, hindi sasampa sa 25 Best Actresses niya sina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Susan Roces at Jacklyn Jose. Sina Marian Rivera at Kim Chui ay hindi kasali sa top 100 Best Actresses in Philippine Cinema. Ang mga maaaring mapasama ay sina Angelica Panganiban, Eugene Domingo, Anne Curtis at Heart Evangelista.
Sinu-sino ang magagaling na direktor sa kasalukuyan? Siyempre, sina Jeffrey Jeturian, Brilliante Mendoza at Raymond Red pa rin.
Paano na sina Chino Rono at Laurice Guillen? They both belong to the past, sabi pa ng isang kritiko.
Si Mike de Leon naman ay pang-National Artist na, sabi noon ni Kuya JC Nigado (Asan na siya, Julio Cinco N.?)
Paano naman si Carlo J. Caparas na balitang may balak mag-comeback sa filmmaking? Para sa akin, talagang pang-komiks lang ang beauty niya, at hanggang komiks lang. Pati ang mga pelikula niya, pang-komiks din!
Ang National Con Artist, bow!(Courtesy of Manoling Morato ang the company of GMA Wolves.)
No comments:
Post a Comment