by julio cinco n.
Matagal na ring bali-balita ang tungkol sa diumano'y rejection kay Manny Pacquiao sa pag-apply nito ng membership sa ultraconservative at exclusive club ng Manila Polo Club sa Forbes Park. Siyempre, deny-to-the-max ang pound-for-pound king, ayon sa mga sitsit sa showbiz.
Pero ayon sa matagal na ring balita ni Beth Celis ng Philippine Daily Inquirer, sa Manila Golf Club (sa Forbes Park din) naman na-reject ang application for membership ni Pacquiao. Ano ba talaga, Al Mendoza, Manila Golf or Manila polo or both? Ang sabi sa Internet chika ng mga elitista: "Pareho!"
Ayon pa rin sa PR column ni Celis, hindi naman daw nag-iisa si Pacman sa sinapit nitong rejection sa kamay ng mga "old rich" sa Forbes. Nauna na diumano sina Gabby Lopez (may-ari ng ABS-CBN) at Willie Revillame kamakailan.
Dagdag pa ni Mendoza, mas nauna pa itong naranasan ni Nora Aunor noong panahon ng kaskatan niya in the 1970s. Maging ang Makati mayor noon na si Jojo Binay ay tinanggihan ding pagsilbihan ng lunch dahil hindi rin umnao ito miyembro ng nasabing elitist club.
Before the Manila Golf/Manila Polo club denial, maaalala na mariin ding itinanggi noon ni Pacquiao na siya ay co-owner ng kontrobersiyal na Boracay West Cove Resort tulad nang matagal nang napababalita. Ang naturang beach resort ay binigyan ng "closure order" for allegedly operating without a permit. Besides, it was "built illegally." according to the mayor of the place himself.
Kaya biglang iwas-pusoy si Pacman at agad itinanggi on national TV na kasosyo sa nasabing Boracay beach resort. Samantalang noong una ay madalas mabalita na napagkikikita ang boksingero sa nasabing lugar at talagang talk-of-the-town sa Boracay noon ang diumano'y "property' niyang iyon. So there goes the planned partnership for a dream beach resort with the visiting (when?) hotel heiress Paris Hilton.
Matagal na ring usap-usapan ng mga sabungero sa Pasay, Pasig, Makati, Manila at Mandaluyong ang tungkol sa diumano,y pagkakabili ni Pacquiao ng air-con na sabungan sa Pasay. Ang kuwento sa kalye ng mga manok ay umabot iyon sa P200 million o higit pa. May-I-deny rin ba si Pacman sa usaping ito?
Ang record ng mga denial ni Pacquiao sa loob at labas ng showbiz ay parang litanya na rin. Kumalat noon ang tungkol sa diumano'y house and lot at negosyo ni Ara, at nagngangawa si Jomari sa TV. Ang two- or three-carat diamond ring ni Rufa Mae, courtesy of the guy with the "beautiful eyes." At sino ang makalilimot sa dollar-package business enterprise plus allowance ni Krista kung saan talagang nagwala si misis pati na sa media. Anu-ano at sinu-sino pa ba?
Baka naman ang remote Thunderbird Casino sa Antipolo ay nasungkit na rin ng Pacquiao Corporation? Malay natin... At paano na ang mga napabalitang pasugalan ng kapatid o kamag-anak ni Manny sa Mindanao? Tanggi rito, tanggi roon. Hindi kaya sa katatanggi ni Manny sa maraming bagay ay magmukha na siyang bagong San Pedro ng baong milenyo?
At sino naman kaya ang bago niyang "dream girl" sa showbiz? Hindi ba siya umubra kay Marian kaya payag na siyang magpa-drug test upang mapagbigyan ang matagal nang kahilingan ni Floyd Jr.? Nabago na ang kasabihang "To try is to succeed." Now it goes: "To deny is to succeed."
Kaya, hala, pakyawin na!
anong say mo best joel and jay?
No comments:
Post a Comment