For entertainment and lifestyle news, views, reviews, previews, interviews and opinions
Friday, October 12, 2012
Thursday, August 9, 2012
“BE CAREFUL WITH MY HEART” MAKES PINOYS SMILE AMID TRYING TIMES
ABS-CBN’s no.1 romantic-comedy Prime-tanghali drama series, “Be Careful With My Heart” continues to rule nationwide daytime TV and one of its directors, Direk Jeffrey Jeturian is in high spirits with their show’s unprecedented feat.
“The consistent high ratings of our show is really overwhelming,” said Direk Jeffrey. “We did not expect that there is a morning audience that big that would propel us everyday to the 5th spot of the top overall TV programs nationwide.”
Direk Jeffrey, who co-directs “Be Careful With My Heart” with Direk Mervyn Brondial, shared that the huge following of their ‘kilig-serye’ can be attributed to a lot of things including the Filipino viewers’ need for a fresh and optimistic story amid trying times.
“The show’s simplicity and feel-good tone was able to capture the audience’s fancy. It doesn’t only leave viewers feeling romantic every time, but also with a smile in their hearts,” Direk Jeffrey said.
He further shared that ‘secrets’ of the huge following of their ‘kilig-serye. “I think the show is effective as a romance comedy because of the chemistry between Jodi Sta. Maria as Yaya Maya the naive and pure-hearted nanny to the deaf kid of the stern and stone-hearted widower played by Richard Yap,” he explained.
The director also confirmed the viewers’ comments regarding the show’s unconventional visual quality. “Be Careful With My Heart” is the first soap of ABS-CBN that is shot on HD or high-definition camera,” Direk Jeffrey said. “That explains the glossy look of the show when people watch it onscreen, plus we shoot the series film-style so it has the feel, look, and ‘magic’ of a movie.”
Continue to feel the ‘magic’ of Yaya Maya and Mr. Lim’s unique love story, catch “Be Careful With My Heart,” everyday, 10:45am, before “It’s Showtime” on ABS-CBN’s Prime-Tanghali.
Thursday, August 2, 2012
No. 1 Vilmanian sa likod ng pelikula ni Nora
By Art Tapalla
MAY panahon noon na, among the media people, si JC Nigado (or Julio Cinco N.) ang itinuturing na No.1 Vilmanian. Sa katunayan nga, si kasamang JC ang nagbansag kay Vilma Santos ng “The Star for All Seasons” noong 1987 nang sulatin niya ang script para sa 25th anniversary (in showbiz) show ng aktres sa top-rated weekly TV variety nitong Vilma! Regalo lang iyon ng kaibigang JC kay Vilma, with a very minimal token as a gesture of appreciation kuno. Meron ba si Vilma nun?
Pero noon pa yun, at tila nag-iba na ang ihip ng hangin. Ang latest na usap-usapan ngayon ay nasa kampo na ng superstar na si Nora Aunor ang katotong JC. At maraming Noranian ang natutuwa na may halong pangamba at pagka-asiwa. Ibang klase kasi ang JC, ibang klase...
Una, hindi mo siya mahagilap. Daig pa si Greta Garbo sa pagiging “recluse” at mailap. May cellphone number nga, pero di naman nagri-reply. Nagri-ring kung minsan ang cellphone niya pero wala namang sumasagot. Minsan, lumalabas at lumilitaw, pero most of the time ay wala.
Sa pagkakaalam ko ay sa Center Stage Productions na ni Direk Brillante “Dante” Mendoza nagtatrabaho si JC. Ang sabi niya sa akin noong huli kaming magkausap ay “parttime” at “consultant” lang daw ang trabaho niya sa Cannes Best Director (2009).
But the facts betray the real situation, ayon na rin sa ilang reliable sources. In fact, kay JC Nigado mismo nanggaling at siya ang nagbigay ng kakaiba at karapatdapat na title sa pelikula ni Brillante na Thy Womb (Sa Iyong Sinapupunan).
Ang sabi, ang original title ng naturang pelikula nina Brillante at Nora ay Bajau (or Badjau?). Tapos, pinalitan ito ng scriptwriter na si Henry Burgos ng Barren, na napakaliteral na description ng baog na character ni Nora sa naturang pelikula. Tipong ABS-CBN ba!
Hindi umano type ni Brillante ang naunang mga working title at, siyempre, nag-consult daw ito kay JC na lagi raw nitong kasa-kasama kahit saan magpunta ang award-winning na direktor. Si JC Nigado na ba ang alter ego, ghost writer at overall consultant ni Brillante Mendoza? Aba, can afford siya! JC is very precious, sabi pa nga noon ng yumaong National Artist na si Lino Brocka.
Malamang, ayon naman sa isa pang nagpupunta sa garden-studio ng Center Stage. Anyway, binago nga raw ni JC ang gasgas at pangit na title ng pelikula ni Nora at ginawang Thy Womb (Sa Iyong Sinapupunan).
Very JC, at siya lang ang makakaisip ng titulong iyon, given the circumstances at hand. JC is a Temple person and, knowing him to be very spiritual (araw-araw siyang nagme-meditate sa pagkakaalam ko), talagang kanyang-kanya ang titulong Thy Womb. Hinding-hindi maiisip nina Brillante and company yun.
Incidentally, alam ko ring si JC ang nagpalit ng dating title ng pelikulang Captive, Brillante’s official main competition entry to this year’s 62nd Berlin International Film Festival na umuwi nang luhaan noong February 2012.
Pero sabi ni JC noon, bet niya at mahirap daw talunin si Isabelle Huppert sa best actress category. Napulitika ba ang sikat na French actress at iba ang nagwagi? O baka naman nagsawa na sila kay Dante.
From Prey to Captured (unang title sa Berlin) naging Captive ito nang umeksena na si JC Nigado sa Center Stage. Bongga, di ba?
Balitang kasama sa Tawi-tawi si JC at nakihalubilo ito sa production team ni Brillante. Nagkita at nagkasama ba sina Nora at JC roon? Alam kaya ni Nora na ang taong kasa-kasama nila sa shooting at may malaking kinalaman sa produksyon ng pelikula nila ay ang dating avid Vilmanian na si Julio Cinco N., na noo’y halos linggu-linggo ay may column at articles tungkol kay Vilma sa kasagsagan ng Movie Flash, Moviestar at iba pang magazines? Pati na sa broadsheet na Malaya, Inquirer, Manila Standard at Manila Times/Sunday Times Magazine ay madalas ang writeups ni JC noon at panay ang banat kay Nora?
Nagkakilala at naging magkaibigan ba sina JC at Nora sa Tawi-tawi sa loob ng dalawang linggong shooting noong Abril?
Bali-balita na noong last shooting day ng Thy Womb sa Tawi-tawi ay namigay diumano ng pera si Nora sa members ng production staff at crew. May binigyan ng P40,000, may P20,000, may tig-P10,000 at ang karamihan ay tig-P2,000 bawat isa. May inabutan ng tig-P1,000 at tig-P500, tulad ng mga Badjau. Si JC kaya, binigyan ba siya ni Ate Guy? Magkano naman?
But knowing JC, hindi niya tatanggapin ang perang ibibigay ni Nora. At kung saka-sakaling tanggapin man niya ito, yun ay ibibigay rin niya sa Temple.
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring mag-reply ni JC sa mga text ko. Parang ayaw niyang magbigay ng anupamang karagdagang impormasyon maliban doon sa konting nasabi niya noon. Pinagbabawalan ba si JC na magsalita tungkol sa Thy Womb o ayaw lang talaga niyang magsalita? (Pero ang galing talaga ng mga Noranian – basta tungkol sa idolo nila wala silang palalagpasin at di kayang gawin. Halos kahit anong impormasyon ay talagang hahanapin at kukunin nila basta tungkol kay Nora.)
Anyways, kung kilala ko si JC, malamang na ayaw lang talaga niyang magsalita o maging source ng anumang impormasyon tungkol sa unang project na kahit papaano’y “pinagsamahan” nila ni Nora. Pero sa totoo lang, excited naman ang ilang mga Noranian (na kagaya ko) hinggil sa bagong development na ito. Biro niyo, isang matinding Vilmanian ang nasa likod ng bagong pelikula ni Ate Guy! At hindi basta-basta, ha!
Pero kahit anong “pagtatago” pa ang gawin ni JC Nigado (o Julio Cinco N.) ay may mga bagay pa rin na lumalabas tungkol sa partisipasyon at ginagawa niya sa Thy Womb. Kamakailan, isang kopya ng tinatawag na “Director’s Intention” para sa pelikulang Thy Womb ang nakalap namin at, believe you me, ‘ika nga, tatak JC Nigado ang pagkakasulat nito.
Matagal na akong nagbabasa ng mga article, column at iba pang mga sinusulat ni JC Nigado na ang pinaka recent ay ang critical at hard-hitting niyang cover stories ng dyaryong Opinyon.
At ang naturang “Director’s Intention” na supposedly ay galing kay Brillante Mendoza, natitiyak kong 99 percent na sinulat ito ni JC. Tunghayan natin ang nasabing “Director’s Intention” ng Thy Womb:
“I AM making a film about the Bajaus, with the aim to celebrate a nonviolent people amidst a very violent world. It’s an intriguing premise about a particular people of peace living in a place of endemic violence.
“One of the most interesting peoples in southern Philippines, the Bajaus are native sea-dwellers that are also found in the neighboring Malaysian and Indonesian archipelagos. They are the so-called Sea Gypsies who are skilled in building various types of boats, and widely known as fishermen, pearl divers and mat weavers.
“As a film, Thy Womb (Sa Iyong Sinapupunan) examines the opposing natures of two women (Nora Aunor/Shaleha’s sterility against Lovi Poe/Mersila’s fertility) to reflect the prevailing condition in Tawi-tawi, a place endowed with natural beauty and rich resources but mired in economic and socio-political crises. A quiet hell of a paradise, Thy Womb’s “birth place” and its environs are constant reminders of yesterday’s conflict that has remained unresolved up to the present.
“The Bajaus are considered to be the most primitive and oppressed among several ethnic groups in the region; and they assume a subordinate status in their diverse and divided community, which includes the Samal and the Tausug, among others. But in spite of this, the Bajaus are generally perceived to be non-confrontational, forgiving, seemingly contented and happy people.
“When wronged, it is said that the Bajaus would simply move to another place, bringing their houseboats (lepa-lepa), constantly roving, living in harmony with nature. To this day, they are mostly looked down, degraded and much maligned by their ethnic neighbors and others, thus rendering them harmless, helpless and almost powerless.
“But in their heart of hearts, are they really so, or is it just another way of life merely misunderstood by those inured to violence? With this thought and theme, and my curiosity further piqued, the narrative voice of the film has emerged loud and clear.
“With intensive research and truthful depiction of certain characters and their circumstances, as articulated in the poignant tale of an aging, childless couple who resolve to find the mother of their much-wanted child, I hope Thy Womb would show a slice of life in the best possible light.”
Ang “Director’s Intention,” ayon sa mga nakakaalam nito, ay kasama sa folio ng isang filmmaker na ginagamit sa paghahanap ng investors, funding at distribution ng pelikula at bilang requirement ng major film festivals sa abroad gaya ng Cannes, Berlin, Venice, Pusan, Toronto, New York at iba pa. Anong say niyo? Paging JC Nigado, please! (Sinusulat , kalahok ang “Thy Womb” sa 69th Venice Int’l Filmfest.)
Tuesday, July 24, 2012
Mayor Danny de Guzman vs. Mayor Tarpaulin
VMayor Danny de Guzman |
Kung ang pulis ay may patola ang pulitiko naman ay may pulpol kahit gaano pa ito katagal sa puwesto ng mga buwaya at trapo. Kamakailan ay nagdaos ng isang payak na birthday celebration ang 58-anyos na si Precy Portillo sa 524-C M. Gonzaga Street, Barangay Hagdang Bato Itaas, Mandaluyong.
Si Precy ay kapatid ng dating artistang si Venus Portillo na noon ay naging malapit sa sexy star na si Rosana Ortiz na namayagpag noong late 1960s at early 1970s. Sa simpleng pagtitipong iyon ay napag-alaman naming tiyak na pala ang labanan nina Mayor Danny de Guzman at Mayor Tarpaulin. Ang vice diumano ni De Guzman ay ang beteranong si Bibot Domingo at si Konsehal Edward Bartolome naman ang akay ng Tarpaulin.
Ito’y isang kuwentong kalye sa loob ng sagradong bahay nina Precy sa mismong okasyon ng kanyang kaarawan na dinaluhan din nina Gloria Huen Dollentes, 89-anyos (ipinanganak noong Pebrero 29, 1923), Susan Martinez, Minerva Intia at ang mga bagets na apo ni Precy na sina Zshaneille at Zhendrick Bayona kasama ang kanilang ina.
Ang simpatiya ng halos lahat ng tao roon ay na kay De Guzman na ang litrato ay makikita sa loob ng bahay ni Precy. Pero may mga konsiderasyon ang ilan dahil sa mga kapatid o malalapit nilang kamag-anak na nagtatrabaho sa city hall.
Gusto at nasa puso’t damdamin nila si De Guzman pero natatakot naman silang mawalan ng trabaho at kabuhayan ang mga kapamilya nila na umaasa sa pansamantalang biyaya ng Tarpaulin Mayor. Siyangapala, sa nakaraang kaarawan ni Mayor Tarpaulin (July 19) ay nagkalat ang mahigit 33 tarpaulin greetings at iba pa sa entrance at lobby ng mayor’s building. At sa buong Maysilo Circle ay naglipana ang iba’t ibang mga tarpaulin ni mayor na mistulang mga basura sa paningin at environment.
Mas marami ang mahihirap sa Mandaluyong (tulad ng halos lahat ng bahagi ng Pilipinas), at karamihan sa kanila ay si Mayor De Guzman ang isinisigaw ng puso’t damdamin nila. Pero nababalot ang buong siyudad ng mga tarpaulin ng kaliweteng mayor na siyang patuloy na bumubulag sa kanila.
Malaki ang kasalanan at pagkukulang ni Mayor Tarpaulin sa mga iskwater at iba pang mamamayan ng Mandaluyong sa mahigit 25-taong panunungkulan nito at ang naunang kaalyadong alkalde. At panahon na ng pagbabago at totoong pamumuno sa bayan.
Si Precy ay kapatid ng dating artistang si Venus Portillo na noon ay naging malapit sa sexy star na si Rosana Ortiz na namayagpag noong late 1960s at early 1970s. Sa simpleng pagtitipong iyon ay napag-alaman naming tiyak na pala ang labanan nina Mayor Danny de Guzman at Mayor Tarpaulin. Ang vice diumano ni De Guzman ay ang beteranong si Bibot Domingo at si Konsehal Edward Bartolome naman ang akay ng Tarpaulin.
Ito’y isang kuwentong kalye sa loob ng sagradong bahay nina Precy sa mismong okasyon ng kanyang kaarawan na dinaluhan din nina Gloria Huen Dollentes, 89-anyos (ipinanganak noong Pebrero 29, 1923), Susan Martinez, Minerva Intia at ang mga bagets na apo ni Precy na sina Zshaneille at Zhendrick Bayona kasama ang kanilang ina.
Ang simpatiya ng halos lahat ng tao roon ay na kay De Guzman na ang litrato ay makikita sa loob ng bahay ni Precy. Pero may mga konsiderasyon ang ilan dahil sa mga kapatid o malalapit nilang kamag-anak na nagtatrabaho sa city hall.
Gusto at nasa puso’t damdamin nila si De Guzman pero natatakot naman silang mawalan ng trabaho at kabuhayan ang mga kapamilya nila na umaasa sa pansamantalang biyaya ng Tarpaulin Mayor. Siyangapala, sa nakaraang kaarawan ni Mayor Tarpaulin (July 19) ay nagkalat ang mahigit 33 tarpaulin greetings at iba pa sa entrance at lobby ng mayor’s building. At sa buong Maysilo Circle ay naglipana ang iba’t ibang mga tarpaulin ni mayor na mistulang mga basura sa paningin at environment.
Mas marami ang mahihirap sa Mandaluyong (tulad ng halos lahat ng bahagi ng Pilipinas), at karamihan sa kanila ay si Mayor De Guzman ang isinisigaw ng puso’t damdamin nila. Pero nababalot ang buong siyudad ng mga tarpaulin ng kaliweteng mayor na siyang patuloy na bumubulag sa kanila.
Malaki ang kasalanan at pagkukulang ni Mayor Tarpaulin sa mga iskwater at iba pang mamamayan ng Mandaluyong sa mahigit 25-taong panunungkulan nito at ang naunang kaalyadong alkalde. At panahon na ng pagbabago at totoong pamumuno sa bayan.
Marco Gumabao |
Bagong dugo sa pulitika at bagong dugo sa showbiz. Sa mga newcomer sa ABS-CBN, nangingibabaw ang appeal at arte ng matangkad at 17-anyos na si Marco Gumabao, anak nina Dennis Roldan (Michel Gumabao sa tunay na buhay) at ang dating modelong si Lollie Imperial. Simple lang at natural kung umarte si Marco kaya siya’y napapansin at namumukod sa hanay ng mga TH at nakakainis umarte na kasamahan niya sa Luv U, tuwing Linggo ng hapon.
Sa GMA-7 naman, isang sorpresa ang 18-anyos na La Salle student na si Raymond Manuel, na mapapanood sa Walang Tulugan ni German Moreno. Si Raymond ay galing sa isa ring showbiz family na tila nakalimutan na ng panahon.
Sa GMA-7 naman, isang sorpresa ang 18-anyos na La Salle student na si Raymond Manuel, na mapapanood sa Walang Tulugan ni German Moreno. Si Raymond ay galing sa isa ring showbiz family na tila nakalimutan na ng panahon.
Raymond Manuel |
Pero dahil dugong showbiz ang nananalaytay sa mga ugat ni Raymond kaya pinagbibigyan niya ang kanyang hilig kahit na mag-umpisa pa siya kung saan. Na sinasabayan naman niya ng kanyang pag-aaral sa Taft and the tough world of showbiz.
Umpisa pa lang ito, Mayor Danny, Marco at Raymond!
Umpisa pa lang ito, Mayor Danny, Marco at Raymond!
Subscribe to:
Posts (Atom)