By Mark Benigno
KUNG may binanggit na Five Best Actresses of All Time ang kilalang pihikang kritiko at attentive observer na nakausap ko kamakailan, siyempre, may sinabi rin siya tungkol sa Five Worst Actresses of All Time. Handa na ba kayo?
Ayon mismo sa nasabing kritiko, ang Five Best Actresses at Five Worst Actresses ay talagang para sa mga lead star at popular movie actresses lang at hindi kasama sa kategorya ang mga character actress at starlet. Talagang tunay na mga "star" lang, at hindi yung mga nakapagbida lang sa isa, dalawa o tatlong pelikulang ewan ay "lead star" na kunong matatawag. Tse!
O, siya, siya, huwag na raw tayong magpatumpik-tumpik pa at narito na ang listahan ng all-time five worst actresses.
1) KRIS AQUINO
2) ALMA MORENO
3) AMALIA FUENTES
4) MARIAN RIVERA
5) SNOOKY SERNA
Ano kaya at pagsama-samahin sa isang pelikula o anumang project ang
limang ito? Riot siguro at mistulang workshop (on "bad-worse-worst" acting) ang kalalabasang show. O, Mother Lily, Donna, Robbie, at Wilson, ano pa ang hinihintay niyo?
Ang suggestion ko naman sa nabanggit na critic na sabi nila ay "pa -Greta Garbo" umano ang pa-effect, sana ay isama bilang leading man ng lima ang matagal na rin itinuturing na "worst actor of all time" na si Diether Ocampo, sa tunay na edad niyang 38. (Ayon sa kanyang orig na birth certificate si DO ay ipinanganak noong July 19, 1973. Alam iyan nina Ian Valdez at ang mga katropa nila noon sa Las Pinas at Parananque, early 1990s.)
Siyanga pala, may iba pang pasabog ang tahimik pero mataray at magaling na kritikong nakilala ko lang noong nakaraang taon. Mayroon din pala siyang listahan ng Five Best Actors of All Time at Five Worst Actors din.
Siyempre pa, mawawala ba ang Five Best Filipino Films of All Time at Five Best Directors din. Natitiyak kong mabubulabog din ang maraming utaw dahil talaga namang credible at may "K" ang choices ng tatahi-tahimik na kritikong ito.
May hinahanap akong article tungkol sa pulitika ng movie awards na matagal nang sinulat ng kritikong ito na gusto kong i-post dito para naman magkaroon tayo ng basehan sa mga sinasabi niya. Dapat lang, di ba?
Kunsabagay, sa isang banda, "expected" na rin para sa isang beterano na tulad niya ang kanyang choices for The Five Best Filipino Films at Five Best Directors na narinig ko. "Kisapmata", Maynila: Sa mga Kuko...", etc.
At sana, may may katapat ding Five Worst Films at Five Worst Directors. Pero, teka, may pahabol pa pala siya. Iisa lang daw ang choice niya para sa Worst Director Of All Time. Totoo ba ito?
Clue? Siya ang paboritong direktor ni Manoling Morato. Kuha niya umano ang lahat ng puwesto--from one to five bilang The Worst Filipino Director Of All Time. At hindi niya kaliga ang pamosong Ed Wood ng Hollywood, ha!
No comments:
Post a Comment