By JULIO CINCO N.
The Manila's Five Prettiest 2011, from left to right: Channa Mendis, Trixie Maristela, Raine Marie Madrigal, Michelle Binas and Matrica Mae Centino
IN the early or mid-1970s I remember the Manila's Five Prettiest as the chosen circle of the most beautiful young maidens in the national capital. If memory serves, ilan sa mga pangalang naalala ko noon ay sina Maritess Revilla (kapatid ni Tina Revilla-Valencia, dating misis ni Iking Araneta at nanay ng mga modelong sina Bianca at Paolo Araneta, isa sa mga ex-boyfriend ni Anne Curtis) , Maricar Zaldarriaga (1971 Miss Young Philippines at nanay ni Paolo Gerardo Zaldarriaga, the 18-year-old son of DOTC Secretary Mar Roxas) at Marian de la Riva (former wife ng dating aktor na si Ronald Corveau at naging companion din ni William Lao, producer ng Bonanza Films).
Then, sometime in the late 1980s and 1990s, ang Manilas Five Prettiest ay nagbagong anyo at napunta sa gay beauties, sa pagmamagaling ng yumaong beauty stylist and entrepreneur, Jun Encarnacion. Ang huling Manila's Five Prettiest contest sa pamamahala ni Encarnacion ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Cultural Center of the Philippines (CCP) complex noong 1995. Dalawa sa winners nila noon ay ang 54-anyos na si Barbie Anderson (born Arturo Natividad on September 9, 1957) at Kate Montecarlo.
Naging aktibo si Jun E. sa showbiz at gumawa ng ilang pelikula at tv shows before he succumbed to the Big C. At natigil na ang kanyang gay beauty pageants.
Recently, however, biglang nag-resurrect ang Manila's Five Prettiest sa ilalim ng bagong organizers na sina Markie Binsol at Dr. Reyvic Cerilles (an EENT specialist from UP Diliman with a sub-specialization in cosmetics surgery from the U.S.), under the helm of the Futuris Betera organization. To be fair, talagang pinaghandaan nang maigi at ginastusan din nang malaki ng bagong organizers, so that the new Manila's Five Prettiest would come close to the previous idea and execution of the late Jun E.
True enough, talagang bonggang-bongga ang ginawang Manila's Five Prettiest 2011 beauty pageant sa Pope Pious Auditorium along United Nations Avenue, Manila noong July 31, 2011. Murang-mura ang admission price (150 pesos per) kaya talagang SRO at dinumog ng maraming manonood. Heading the board of judges were veteran designer Aureo Alonzo and Pinoy Big Brother alumna, Rica Paras. The prizes were fabulous, at ang mahalaga ay naibigay nang cash at buong-buo sa mga nanalo sa mismong gabi ng contest, after the announcement of winners. Di ba, Trikks Ugadan?
Each of the five winners recieved Ph20,000 cash plus the other prizes ( more cash and gift packages) in the special awards, e.g Best in Swimsuit (Raine Marie Madrigal, Ph5,000 and gift packages), Best in Evening Gown (Trixie Maristela, Ph5,000 and gift packages), Best in National Costume (Ivy Rivero, Ph5,000 and gift packages), and Best Talent (Matrica Mae Centino, Ph5,000 and gift packages).
May napili ring limang People's Choice ( Matrica Mae Centino, Raine Marie Madrigal, Gerald Quiogue, Lesly Vidal at Vicky Mae Segovia) na nagkamit ng cash prize na Ph10,000 bawat isa.
The Manila's Five Prettiest winners are the following: Matrica Mae Centino from Basey, Samar; Raine Marie Madrigal, Cebu City ; Channa Mendis, Iloilo; Trixie Maristela, Pasig City; and Michelle Binas of Sultan Kudarat.
Mukhang maganda ang hangarin nina Markie Binsol sa pagbubuhay nila uli ng Manila's Five Prettiest lalo na't may nauna na silang Bb.Gay Pilipinas 2010 noong nakaraang July 2010 bilang paghahanda sa mas malakihang gay beauty pageant para sa 2011. And they left no stone unturned, so to speak, in coming up with the biggest and most prestigious gay beauty contest so far.
Bilang patunay ay nagkaroon pa sila ng Manila's Five Prettiest 2011 Coronation Ball noong Agosto 9, 2011, na ginanap sa Ibarra's Garden (beside the famous La Solidaridad Bookstore of National Artist for Literature, F. Sionil Jose, and in front of Robinsons Place Ermita) in Padre Faura, Manila. Talagang pinagkagastusan ang nasabing magarbong okasyon--mula sa paghahanda sa buong lugar hanggang sa ihinaing buffet. Too bad, na maraming expected guests ang hindi nakarating kaya sobrang-sobra ang pagkain na pinagsalu-saluhan ng mga dumalo.
Masuwerte ako dahil mula sa kanilang dressing room ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makita at maobserbahan ang naumang apat na winners--sina Matrica Mae, Raine Marie, Channa at Michelle. Ayon sa ilang inside information, No.1 choice si Matrica Mae o Matmat, No.2 si Raine Marie, No.3 si Channa, No.4 si Trixie (na pinakahuling dumating) at No.5 si Michelle.
Ganoon umano ang ranking ng lima, according to the judges' results, at lima ang nag-tie sa ikalimang puwesto. At ang napili, finally, ay si Michelle Binas nga ng Sultan Kudarat at matagal na ring naninirahan sa Manila.
Dramatic entrance ang ginawa ni Trixie na siyang pinakahuling tinawag at rumampa patungo sa winners' table. Akala ko pa naman ay maganda ang reigning Miss Gay Philippines, hindi naman pala. Pero babaeng-babae talaga ang kilos, pananalita at dating niya, at magaling magsalita, sa English man o Tagalog. Marahil, sobra lang ang expectation ko dahil sa labis na hype ng iba.
Inamin ni Trixie na kamakailan lang ay nagkaroon na siya ng "functional vagina," na tanggap naman daw ng pamilya niya. Sa ganang akin, tama lang na nasa No.4 si Trixie. No question about that.
Sa kanilang lima ay consistent ang regal bearing at pagiging refined sa galaw at pananalita (kahit sa mga "unguarded moment") ni Channa Mendis ng Iloilo. She reminds one of Gemma Cruz, Aurora Pijuan and Gloria Diaz in their heyday.
Hataw naman sa pagkanta si Matmat at talagang panggulat ang Broadway version niya ng "Cabaret" na, ayon sa kanya, ay kinakanta na niya mula pa sa edad na 13. (And she's now 35 years old, according to her.)
Guest singer for that night ang 12-year-old (and first-year high school) na si Kris Angelica de la Cruz, first runner-up sa 2009 Birit Baby ng "Eat Bulaga." Raw talent pa si Kris Angelica, pero maganda ang boses, at medyo may "kapal" nang konti kaysa karaniwang birit nina Regine Velasquez, Rachelle Anne Go at Charice.
Konting panahon at pagsasanay pa at oras na mahasa na nang husto ay maraming patataubing singers ang boses ng malaking bulas na dalagita. Nagmistulang "mini-concert" niya ang naturang Coronation Ball ng Manila's Five Prettiest 2011. Bumanat ba naman ng "There's a Winner in You" ni Patti Labelle, "And I Am Telling You" ni Jennifer Hudson, " Through the Rain" ni Chaka Kahn at "Listen" ni Beyonce, aba, eh, talagang bagyo nga ang dating ng kayumangging dalagita. Medyo nakasasawa lang, if you ask me.
Sabi ni Markie Binsol, bahala na raw si Dr. Reyvic Cerilles sa pag-e-enhance pa sa natural beauty ng Manila's Five Prettiest 2011 winners. As they are, okay na sa akin ang ganda ng lima pero kung kailangan pa ng konting " ayos," so be it. Medyo malapad nga ang ilong ni Matmat, na pabirong tinutukso ng ilan na kamukha umano ng transvestite version ni Michael V., pero bagay naman sa hugis ng mukha niya. In fact, isa iyon sa ikinaiba niya. Isa pa, matangkad at malaking "babae" naman siya kaya swak na swak lang. Why disturb God's natural beauty endowment?
Para sa akin, mas magkakaproblema si Reyvic sa korte ng mga mukha nina Trixie at Michelle. Di bale na si Raine Marie na may pinakamagandang "whistle-bait figure" at ang mukha'y mas magandang version naman ni Gladys Reyes.
All in all, oustanding pa rin ang dark-brown beauty ng Ilonggang si Channa, at consistent siya all throughout the evening of the so-called Manila's Five Prettiest 2011 Coronation Ball.
Truly, may "Better Future" talaga ang gay beauty pageants, di ba Markie?.
No comments:
Post a Comment