Tuesday, September 6, 2011

On a Claire Day You Can See Gerrick

By  JULIO CINCO N.



Claire de la Fuente               Gerrick de la Fuente


IT'S hard to believe that a celebrity entrepreneur like Claire de la Fuente would be embroiled in a controversy that some people would like us to believe. How could that be, and just how could they?
      I mean those little known suppliers of some fresh seafoods and other goods from somewhere down the market road. Ano ba talagang "agenda" nila? O may iba pa ba?
      Very earnest ang panganay ni Claire sa pagbibigay liwanag tungkol sa mga pangyayari nang minsan madalaw kami sa native restaurant nila sa Roxas Boulevard, lampas nang konti sa CCP Complex sa Pasay City.
      Habang nakikinig kami kay Gerrick de la Fuente ay lumilipad ang isipan namin sa dako pa roon kung nasaan si Kuya Gil Villasana (SLN), isa sa media people na noon ay malapit kay Claire. Siguro, kung nabubuhay lang si Kuya Gil, sabi namin sa sarili, ay hindi rin niya palalampasin ang nasabing issue. Si Kuya Gil pa, at tungkol pa kay Clara!
      Si Clara. Iyon ang may lambing na tawag ni Kuya Gil kay Claire na, ayon mismo sa kanya noong gumagala pa siya sa mundo, ay siyang nagsisilbi niyang "SSS" sa mga oras at araw ng kanyang pangangailangan.
       Tulad din ng yumaong Jojo Acuin, si Claire de la Fuente ang isa sa mga kind and kindred souls na nagsilbi at patuloy na nagsisilbi sa maraming nangangailangan. Yumao kinalaunan si Kuya Gil sa edad na 58 at hindi siya sumampa sa boundary ng mga senior citizen. Kaya hindi niya napakinabangan ang dapat sana'y pension niya sa Social Security System.
      Pero laking pasasalamat ni Kuya Gil noon na may mga taong tulad nina Jojo Acuin at Claire de la Fuente na nagsilbing SSS niya. At higit pa sa tunay na SSS kung tutuusin. Ang pension sa SSS ay buwanan pero kina Jojo at Claire ay lingguhan kung minsan at madalas sa bawat kinsena.
      Marahil ay hindi ito batid ni Claire, pero may mga silent soul na nagpapasalamat nang taus-puso dahil sa pagiging Good Samaritan niya. Katulad din nina Boy Abunda, Cristy Fermin, Susan Roces, Sharon Cuneta, Robin Padilla at Kris Aquino. The world is better off because of them.
       Ngayong pumapalaot na rin Gerrick  sa mundo ng showbiz, it's good to hear na nakahanda siyang ipagtanggol ang celebrity mother niya anytime. Nang araw na iyon na nakadaupang-palad namin siya, this 23-year-old AB English Literature from Ateneo was about to sign his management contract with Viva and Joji Dingcong.
       The five-foot-ten Gregorio Angelo de la Fuente is in good hands, I would say. Pero bakit di na lang si Claire ang nag-manage sa kanya? It seems like Claire only manages female talents like Sam Pinto and Bela Padilla.
       Gerrick is a multi-faceted talent: actor, singer, tv host, songwriter, director and businessman. He went to Southridge in Alabang, just like his brother--from Kindergarten to High School. According to him, talagang sinadya ng parents nila na sila'y tumira sa neighboring Hillsborough Subdivision para malapit sila sa Southridge School.
       Tapos, masasangkot lang ang nanay niyang si Claire sa isang walang kawawaang controversy ng mga palengkera? Next issue please, ang sabi ko naman kay Gerrick na siyang nag-compose ng kantang "If I Dreamed Without You" sa album ni Claire na "Something in Your Eyes." With this mother-and-son tandem, may lalaban pa ba?

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...